Isa si Alyssa Valdez sa aasahan ng Creamline.
Creamline mapapalaban sa PetroGazz
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon (The Arena)

2pm Army vs BaliPure

4pm PetroGazz vs Creamline

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang matitikas na volleyball pla­yers sa bansa sa paglarga ng 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sisimulan ng Creamline ang pagdepensa sa titulo sa pagharap nito sa PetroGazz sa alas-4 ng hapon habang hahataw naman ang bakbakan ng Pacific Town-Philippine Army at BaliPure Water Defenders sa alas-2.

Kukuha ng lakas ang Cool Smashers kay three-time UAAP MVP Alyssa Valdez kasama ang dalawang mahuhusay na imports na sina Kuttika Kaewpin ng Thailand at Aleoscar Blanco ng Venezuela.

“Yung chemistry ng team hopefully nandun na kasi since March pa nandito sa Pilipinas yung imports namin. We’ve been practicing for months now. Every team is a contender. Talagang competitive ang mga teams ngayon,” ani Valdez.

Magbibigay ng solidong suporta sina opposite hitter Michele Gumabao, middle blockers Risa Sato at Celine Domingo  at sina playmaker Jia Morado at libero Melissa Gohing para makuha ang pambuenamanong panalo ng tropa.

Hindi naman pahuhuli ang Gazz Angels na magpaparada ng matitikas na imports sa ngalan nina Wilma Salas ng Cuba at Janisa Ivette Johnson ng Amerika.

Ito ang ikalawang sunod na taon ni Johnson sa liga kaya’t sanay na ito sa sistema ng laro sa Pilipinas. Dati itong naging import ng BaliPure.

Makakasama nina Johnson at Salas sina Pa­neng Mercado, Jeanette Panaga, Chie Saet, Cherry Rose Nunag, Cai Nepomuceno at Rachel Anne Austero.

Sabik na rin ang Lady Troopers na magbalik-aksiyon sa PVL.

Papalo para sa Army sina dating MVP Jovelyn Gonzaga, Honey Royse Tubino, Nene Bautista, Mary Jean Balse, Lutgarda Malaluan at Christine Agno.

Tatapatan ito ng BaliPure sa pangunguna nina reinforcements Danijela Dzakovic ng Montenegro at Alexandra Vajdova ng Slovakia.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE CREAMLINE VS PETROGAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with