Walang positibong resulta sa ginawang lineup change ni coach Mike Budenholzer sa Game Five kung saan yumukod ang Milwaukee sa Toronto, 99-105.
AFP
Raptors vs Warriors sa NBA Finals?
(Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE — Nasa kanilang pinakamasamang pagbulusok ngayong season, kailangan ng Bucks na makabawi para makatabla sa Toronto Raptors sa kanilang Eastern Conference title series.

Walang positibong resulta sa ginawang lineup change ni coach Mike Budenholzer sa Game Five kung saan yumukod ang Milwaukee sa Toronto, 99-105.

Kinuha ng Raptors ang malaking 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven series ng Bucks at inaasahang hindi na pakakawalan ang Game Six.

“You know, we’ve been a resilient group all year,” wika ni Budenholzer sa kanyang Milwaukee. “We just need to think about going and winning one game, go to Toronto and get that.”

Nagtala si guard Malcolm Brogdon ng 18 points, 11 rebounds at 6 assists sa Game Five sa kanyang pagkakabilang sa starting five matapos magkaroon ng foot injury sa Game Five ng Eastern Conference semifinals ng Bucks laban sa Boston Celtics.

Ngunit hindi ito naging sapat para talunin nila ang Toronto.

Sa likod nina Giannis Antetokounmpo, Nikola Mirotic, Brook Lopez, Khris Middleton at Eric Bledsoe ay kinuha ng Bucks ang Game One at Game Two bago naagaw ng Raptors ang sumunod na tatlong laro.

“I think Malcolm was very good overall, and it’s a group that started 64 out of 65 games for us,” ani Budenholzer sa pagsasama niya kay Brogdon sa starting five sa Game Five.

Kumpiyansa naman si Lopez na maitatabla nila ang serye para itulak ang ‘winner-take-all’ Game Se­ven sa Mayo 27 sa kanilang balwarte. 

RAPTORS VS WARRIORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with