Binugbog ng mga Pinay ang Sri Lankans, 21-6 matapos makalasap ng 8-20 kabiguan sa mga Japanese sa Pool C papasok sa quarterfinal round ng torneo.
Fiba.com
Gilas cagebelles kakasa sa Australia sa quarterfinals
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos mabigo sa bigating Japan ay ibinunton ng Gilas Pilipinas women's national team ang kanilang galit laban sa Sri Lanka para makapasok sa knockout stage ng 2019 FIBA 3x3 Asia Cup sa Changsha, China.

Binugbog ng mga Pinay ang Sri Lankans, 21-6 matapos makalasap ng 8-20 kabiguan sa mga Japanese sa Pool C papasok sa quarterfinal round ng torneo.

Nagtala ang Gilas Pilipinas women's squad nina Jack Animam, Afril Bernardino, Clare Castro at Janine Pontejos at ginagabayan ni head coach Patrick Aquino ng 1-1 baraha sa kanilang grupo para makatiyak ng tiket sa quarterfinals.

Sa quarterfinals ay sasagupain ng Nationals ang Australia, bumandera sa Pool A na kinabibilangan din ng New Zealand at top seed China.

Samantala, lalabanan naman ng Japan, nanguna sa Pool C at tinalo ang Sri Lanka, 22-11, ang New Zealand sa isa pang laro sa quarterfinals.

Ang nasabing FIBA 3x3 tournament ay isa sa ginagawang paghahanda ng Gilas Pilipinas women's team para sa darating na 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

2019 FIBA 3X3 ASIA CUP GILAS PILIPINAS WOMEN'S NATIONAL TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with