Tan-Rodriguez duo pasok sa Last 12
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakabawi sina Bea Tan at Dij Rodriguez makaraang iselyo nito ang impresibong 21-7, 21-15 panalo kina Malaysians Tan Hsi Yan at Tasha Mae para umusad sa Round of 12 ng FIVB Beach Volleyball World Tour Boracay Open kahapon sa White House Beach Station 1 sa Boracay Island.

Inilabas nina Tan at Rodri­guez ang buong puwersa nito para patalsikin sa kontensiyon ang Malaysian pair.

Magandang resbak ito kina Tan at Rodriguez matapos lumasap ng 21-17, 13-21, 14-16 kabiguan kina Singaporeans Eliza Chong at Lau Ee Shan.

Umani naman ng u­nang kabiguan sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons nang matalo ang Pinay duo kina Japanese tandem Satono Ishitsubo at Asami Shiba, 16-21, 19-21.

Kumuha ng lakas sina Rondina at Pons sa ma­lakas na sigawan ng Pinoy supporters sa venue para makipagsabayan sa world No. 86 na sina Ishitsubo at Shiba.

Subalit kapos pa rin ang inilabas na lakas nina Rondina at Pons para mahulog sa 1-1 marka.

Nauna nang tinalo nina Rondina at Pons sina Shinako Tanaka at Miyuki Matsumura ng Japan sa opening day, 21-14, 21-8.

Namaalam na sa kontensiyon sina Jackie Estoquia at DM Demontaño makaraang tumupi ito kina Russians Ekaterina Filina at Ekaterina Zazhigina, 14-21, 21-19, 13-15.

Nakatakda ang bakba­kan para sa quarterfinals slots kagabi rin.

FIVB BEACH VOLLEYBALL WORLD TOUR BORACAY OPEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with