Keith Thurman (kaliwa) at Freddie Roach.
Roach imbyerna kay Thurman
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Buo na ang plano ni American trainer Freddie Roach upang mapatahimik ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang matabil na dila ni undefeated American fighter Keith Thurman.

Maaanghang na salita ang ibinitawan ni Thurman sa press tour ng Pacquiao-Thurman fight sa Amerika.

At hindi ito nagustuhan ni Roach.

Kaya naman kasado na ang game plan ng Team Pacquiao kung paano patatahimikin ang bibig ni Thurman. Nakabuo na ito ng solidong plano para mapataob ni Pacquiao si Thurman sa kanilang World Boxing Association (WBA) welterweight unification bout sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

“Manny Pacquiao is the best fighter in the world to work with. His work ethic is unbelievable. We’ve studied Thurman and come up with a game plan. And we’re going to destroy him,” ani Roach.

Muling hahatiin ni Pacquiao ang training camp nito.

Magsisimula ang pagsasanay sa Pilipinas kasama si chief trainer Buboy Fernandez at iba pang miyembro ng coaching staff ng Team Pacquiao.

Gaganapin naman ang huling bahagi ng pagha­handa sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California kung saan makakasama na ng grupo si Roach.

Sabik nang magbalik-bansa si Pacquiao upang agad na simulan ang pagsasanay.

“I’m excited to go back to the Philippines and go straight back to the gym,” anang reigning WBA regular welterweight titlist.

Nauna nang inihayag ni Thurman na pagrereteruhin nito si Pacquiao na agad namang nginitian lamang ng Pinoy champion.

“He’s never fought a fighter like me with the lateral movement, speed, power. He’s never fought anyone this young, strong and hungry and I’m coming for him,” ani Thurman.

Tila binastos pa ng American pug ang pagiging relihiyoso ni Pacquiao kung saan sinabi nitong “I know he likes to quote Bible verses so I’ll let you know -- he’s getting crucified.”  

FREDDIE ROACH KEITH THURMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with