Creamline tinapik ang Chinese coach
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido ang Creamline na maipagtanggol ang kampeonato dahil isang Chinese coach ang kinuha nito para sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na aarangkada sa Mayo 26 sa The Arena sa San Juan City.

Isang world-class training ang inilalatag ng beteranong si Li Huanning para sa Cool Smashers.

Si Li ang humalili kay Thai mentor Tai Bundit.

Magkaiba ang sistema ni Li kumpara kay Bundit.

Ngunit bukas ang Cool Smashers sa mga pagbabago upang lubos na mapa­lakas an kanilang koponan lalo pa’t ipagtatanggol ng tropa ang kanilang korona sa Reinforced Conference.

Aminado si team captain Alyssa Valdez na ma­laking adjustment ang pagpasok ng Chinese coach.

Subalit itinuturing ito ni Valdez na malaking b­lessing dahil mas mada­dagdagan ang kanyang kaalaman sa volleyball.

“Masaya ako na nakikinig din siya sa amin. Yung mga ideas namin and he’s willing to learn how to speak English and Tagalog,” ani Valdez.

Malalim ang karanasan ni Li. Naging head coach ito ng Chinese team na isinabak sa 2009 FIVB Men’s Junior World Championship sa Pune, India.

Wala namang nakikitang problema ang Cool Smashers sa komunikasyon dahil mas maha­laga ang drills at talentong nadadala ni Li sa koponan.

Makakatuwang ni Valdez sa kampanya sina Thai Kuttika Kaewpin at Venezuelan Aleoscar Blanco gayundin sina Michele Gumabao, Risa Sato, playmaker Jia Morado at libero Melissa Gohing.

Mapapalaban ng husto ang Cool Smashers dahil magpaparada rin ng matitikas na imports ang ibang koponan.

Nangunguna na sa lis­ta­­han si scoring machine Gyselle Silva ng Cuba na makakatulong ni Edina Selimovic ng Bosnia and Herzegovina sa Motolite.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with