^

PSN Palaro

FEU kinumpleto ang playoffs cast

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuwag ng Far Eas­tern University ang Centro Escolar University sa bisa ng 74-69 desisyon upang masungkit ang huling tiket sa playoffs sa Foundation Group kahapon sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Kumuha ng lakas ang Tamaraws kay L-Jay Gonzales na kumana ng 15 puntos, limang rebounds, limang assists at tatlong steals upang matikas na tapusin ang eliminasyon tangan ang four-game win streak.

“Our goal is to make it  to the playoffs and nakuha na namin ang first goal namin,” ani Tamaraws head coach Olsen Racela.

Nag-ambag naman si Wendell Comboy ng 13 markers, apat na boards, dalawang assists, at dalawang steals habang nagrehistro si Joseph Nunag ng 12 points, tatlong rebounds, at dalawang assists para sa Tamaraws.

Tinapos ng FEU ang eliminasyon hawak ang 6-3 baraha para tuluyang patalsikin sa kontensiyon ang Marinerong Pilipino (5-4).

Ngunit mapapalaban ng husto ang Tamaraws dahil makakasagupa nito ang Aspirants Group top seed Cignal-Ateneo de Manila University (8-1) sa playoffs.

 Nahulog ang Scor­pions sa 7-2 marka.

Gayunpaman, sigurado pa rin ang CEU ng twice-to-beat sa playoffs.

Sa ikalawang laro, pintalsik ng Family Mart-Enderun ang University of Santo Tomas sa bendisyon ng 81-74 panalo.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with