Naglaro si Leonard sa loob ng 52 minuto sa double-overtime win ng Raptors kontra sa Bucks sa Game Three noong Linggo bagama’t may iniindang leg injury.
Raptors tumabla sa Bucks
(Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

TORONTO — Sa sob­rang ka­paguran ni for­­ward Kawhi Leonard, na­kakita ang Raptors ng sa­pat na la­kas para talunin ang Milwaukee Bucks.

Nagsalpak si guard Kyle Lowry ng 25 points at may 19 markers si Leonard para tulungan ang Toronto sa 120-102 pag­gupo sa Mil­waukee sa Game Four at itabla ang ka­nilang Eas­tern Confe­rence championship series sa 2-2.

“This was one of the nights that we knew Kawhi was a little bit limited and we had to come out and be aggressive for him,” sabi ni Lowry kay Leonard.

Naglaro si Leonard sa loob ng 52 minuto sa double-overtime win ng Raptors kontra sa Bucks sa Game Three noong Linggo bagama’t may iniindang leg injury.

Matapos ang kanyang dunk sa Game Four ay pa­pilay-pilay na naglakad si Leonard at tinapos ang su­munod na 34 minuto.

“I feel good,” giit ni Leo­nard. “I'm going to keep going and keep fighting. We have a chance to make history.”

Bumangon ang Toronto mula sa 0-2 pagkakaiwan pa­ra itabla sa 2-2 ang ka­nilang best-of-seven series ng Milwaukee.

Nakatakda ang Game Five sa Huwebes sa taha­nan ng Bucks na kanilang inaasahang gagamitin para resbakan ang Raptors at ku­nin ang 3-2 bentahe sa serye.

Humakot si Serge Ibaka ng 17 points at 13 rebounds para sa Toronto na may 7-2 record sa kanilang balwarte ngayong postseason.

Kumamada si Khris Middleton ng 30 points, 6 re­bounds at 7 assists sa pa­­nig ng Bucks, na­­kahugot kay superstar Giannis Antetokounmpo ng 25 points at 10 boards.

MILWAUKEE BUCKS RAPTORS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with