Sisi Rondina at Jessie Khing Lacuna
Rondina, Lacuna hinirang na UAAP Athletes of the Year
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit nina University of Santo Tomas volleyball superstar Sisi Rondina at Ateneo de Manila Uni­ver­sity swimming stalwart Jessie Khing Lacuna ang Athletes of the Year awards sa UAAP Season 81.

Maningning ang pagta­tapos ng collegiate year ni Rondina na nagpamalas ng husay sa team sports category.

Binuhat ni Rondina ang Tigresses sa ikatlong su­nod na beach volleyball crown kalakip ang ikaapat na season MVP award.

Sa indoor volleyball, bumandera ang Compostela, Cebu native sa ratsada ng UST na nasiguro ang runner-up finish sa women's volleyball tournament.

Ibinulsa rin ni Rondina ang season MVP honors.

Umarangkada rin si Rondina sa international are­na nang makipagsanib-puwersa  kay Dzi Gervacio san pagkuha ng fifth place finish sa FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open 1-star.

Samantala, ito naman ang ikalawang AOY ni La­cuna na nakuha ang pa­re­hong pagkilala noong 20­16.

JESSIE KHING LACUNA SISI RONDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with