Pinanood na lang nina Rodney Hood at Seth Curry ng Blazers si Stephen Curry ng Warriors.
Warriors swak na sa NBA finals
(Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

SWEEP!

PORTLAND, Oregon – Sa pang-limang sunod na pagkakataon ay maglalaro ang Golden State Warriors sa NBA Finals.

Ito ay matapos bumangon ang Warriors mula sa 17-point deficit at sibakin ang Trail Blazers via overtime, 119-117  sa Game Four ng Western Conference championship series.

Dinuplika ng Golden State, naglaro nang wala sina Andre Iguodala, Kevin Durant at DeMarcus Cousins, ang limang dikit na NBA Finals stint ng Boston Celtics noong 1957 hanggang 1966.

Sasagupain ng two-time defending champions ang mananalo sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Toronto Raptors sa NBA championship series.

Hawak ng Bucks ang 2-1 bentahe sa kanilang Eas­tern Conference title series ng Raptors.

Tuluyan nang winalis ng Warriors ang Trail Blazers, 4-0  sa kanilang best-of-seven titular showdown.

Naglista si Stephen Curry ng 37 points, 13 rebounds at 11 assists para sa kanyang triple-double na dinuplika ni Draymond Green na nagtala ng 18 markers, 14 boards at 11 assists para sa Warriors.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 17 points kasunod ang tig-12 mar­kers nina Alfonzo McKinnie at Kevon Looney para sa Golden State.

Nagsalpak si Green ng three-point shot sa harap ng Blazers bench para ibigay sa Warriors ang 119-115 abante sa huling 39.6 segundo sa overtime.

Nakalapit ang Portland sa 117-119 agwat sa natitirang 32.8 segundo mula sa driving hoop ni Damian Lillard kasunod ang mintis ni Curry para sa Golden State.

Sa huling 2.5 segundo ay nabigo si Lillard na maipasok ang kanyang 3-point attempt dahil sa mahigpit na depensa ni Thompson.

Umiskor si Meyers Leonard na may career-best 30 points kasunod ang 28 at 26 markers nina Lillard at CJ McCollum, ayon sa pagkakasunod, para sa Trail Blazers.

GOLDEN STATE WARRIORS NBA FINALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with