Jerwin Ancajas
Ancajas naghahanda na vs Estrada
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihahanda na ni International Boxing Federation super flyweight champion Jerwin Ancajas ang ilang estratehiyang gagawin nito sa oras na makaharap si World Boxing Council super flyweight titlist Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Pinag-aaralan na ng kampo ni Ancajas ang galaw ni Estrada kung saan may ilang puntos na nakikita si trainer Joven Jimenez na magiging bentahe ng Pinoy bet.

Isa na rito ang height. Mas matangkad at mas malaki si Ancajas kumpara sa Mexican pug.

May taas na 5-foot-6 si Ancajas laban sa 5-foot-4 na si Estrada.

“Jerwin is taller and bigger, and that’s our advantages. He (Estrada) just wants to fight other champion like Jerwin and I think we have a good shot against him,” ani Jimenez.

Subalit ayaw maging kampante ng kampo ni Ancajas.

Mas matinding pagsasanay ang gagawin ng Pinoy champion upang lubos na maging handa para sa itinuturing nitong pinakamalaking laban sa kanyang boxing career.

At naniniwala si Ancajas na kayang-kaya nitong ta­lunin si Estrada.

“Si Estrada yung pinakamalakas na makakalaban ko so far. Pero tiwala ako na mananalo ako,” ani Ancajas.

Nauna nang hinamon ni Estrada si Ancajas na agad namang tinugunan ng Panabo City, Davao del Norte bet ng positibong sagot.

JERWIN ANCAJAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with