Aces hihirit ng ika-2 sa Batang Pier
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng Alaska Aces ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap kontra sa Northport Batang Pier habang masusubukan din ang mga bagong imports na sina 6’10  Curtis W­ashington ng NLEX Road Warriors at 6’9 Terrence Jones ng TNT Ka­Tropa sa kanilang pagtatagpo sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Haharapin ng Aces ang Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon at susundan ng laban ng KaTropa at Road Warriors sa alas-7 ng gabi.

Patuloy pa ring hindi makakalaro si Vic Manuel para sa Aces dahil sa injury ng kanyang right calf na natamo sa practice noong nakaraang linggo.

Ngunit kahit hindi nakalaro ang 31-anyos na si Manuel laban sa Columbian Dyip noong Linggo, nasungkit pa rin ng tropa ni coach Alex Compton ang 111-98 panalo para sa magandang umpisa sa import laden conference.

“Sobrang naiinip na ako, nanggigigil na ako. Three weeks na akong nagpa­practice at nakabalik na ako sa kundisyon tapos biglang nagkaproblema sa right leg ko,” sabi ni Manuel na huling naglaro noong Disyembre pa bunga ng natamong back injury.

Makakaharap naman ng 6’10 import na si Chris Daniel ang 6’9 bruiser na si Prince Ibeh mula sa Texas Longhorn.

Tumapos si Daniel ng 25 puntos at 16 rebounds sa kanyang debut noong Linggo kung saan umani ng 20 puntos si Chris Banchero at 19 mula kay Simon Enciso.    

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP ALASKA ACES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with