Pagbawi sa Commissioner’s Cup tututukan ni Austria
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos makamit ang historic five-peat sa Philippine Cup, ayaw ni coach Leo Austria na pag-isipan ang isa pang PBA Grandslam at mas gusto pa niyang pagtuunan na lang ang back-to-back cham­pionships sa taong ito.

Sinabi ni Austria na mahalaga sa kanyang koponan na muling bawiin ang titulo sa kasalukuyang Commissioner’s Cup kung saan tinalo sila ng Barangay Ginebra Kings sa Finals ng nakaraang taon.

“We’re not thinking about the grand slam. What we’re thinking about is  the next conference. Just one game at a time. Everybody wants a grand slam, but we have to win another championship in the se­cond conference,” ani Austria kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Kasama ni Austria ang kanyang manlalaro na sina Chris Ross, Marcio Lassiter, Von Pessumal at import Charles Rhodes sa nasabing forum.

Ang 6’8 na si Rhodes ang import ng Beermen nang inangkin nila ang korona sa Commissioner’s Cup noong 2017.

“This conference are much better imports, more skillful. It’s just another challenge for me,” ayon naman kay Rhodes, ang Best Import noong 2017.   

LEO AUSTRIA PBA GRANDSLAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with