Nailusot ni Kawhi Leonard ng Raptors ang kanyang dunk laban kay Malcolm Brogdon ng Bucks .
Raptors inilusot ni Leonard sa 2 OT
(Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

TORONTO — Humataw si Kawhi Leonard ng 36 points, kasama ang walo sa second overtime, para akayin ang Raptors sa 118-112 paggupo sa Milwaukee Bucks sa Game Three ng Eastern Conference Finals.

Kumolekta naman si Pascal Siakam ng 25 points at 11 rebounds  habang may 19 markers si Norman Powell bago ma-foul out para sa 1-2 pagdikit ng Toronto sa kanilang best-of-seven series ng Milwaukee.

“We just played a lot tougher,” sabi ni Raptors coach Nick Nurse. “We were up guarding, we  were physical. We were ready to play tonight.”

Naglista si center Marc Gasol ng 16 points at 12 rebounds para sa host team na pilit na tatablahan ang Bucks sa Game Four sa Martes.

“I’m feeling all right. This is playoff basketball,” wika ni Leonard matapos ang laro. “Everybody’s hurting so I’ve just got to keep fighting.”

Nalimitahan si Giannis Antetokounmpo sa 12 points at 23 rebounds sa panig ng Milwaukee bago na-foul out sa huling 4:24 minuto ng second overtime.

Nanalo ang Toronto bagama’t na-foul out sina guards Kyle Lowry at Po­well sa fourth quarter.

Naimintis ni Siakam ang dalawang free throws sa huling 7.4 segundo sa regulation na siya sanang nagpanalo sa Raptors.

Umiskor sina guards George Hill at Malcolm Brogdon ng 24 at 20 points para sa Bucks.

KAWHI LEONARD RAPTORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with