Si Micaela Jasmine Mojdeh sa kanyang record breaking performance.
Mojdeh 8 gold, 6 record ang nilangoy sa Canada meet
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

Para kay coach Susan ‘to!

MANILA, Philippines — Uuwi ang Philippine Swimming League-Swimming Pinas tangan ang kabuuang 14 ginto, tatlong pilak at limang tansong medalya na nakolekta nito sa 2019 Ralph Hicken International Swimming Championship na ginanap sa Markham Pan Am Center sa Ontario, Canada.

Matikas na tinapos ni Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang kampan­ya nito nang kumana pa ito ng dalawang bagong rekord sa girls’ 12-year division.

Nagrehistro si Mojdeh ng dalawang minuto at 22.70 segundo sa 200m butterfly para tabunan ang 2:30.85 na tournament record habang binura rin nito ang rekord na 1:22.79 sa 100m breaststroke sa pamamagitan ng naitalang 1:19.13 tiyempo.

Nagkasya sa pilak si Mojdeh sa 100m freestyle tangan ang 1:02.76.

Humakot si Mojdeh ng kabuuang walong ginto at isang pilak na medalya.

“Nagpapasalamat po ako kay coach Susan (Papa). Sa lahat po ng iti­nuro niya sa akin. Hindi ko po siya makakalimutan. Mahal na mahal ko siya. Para po sa kanya ang pagka­panalo ko po,” emos­yunal na wika ni Mojdeh.

Nauna nang nagtala ng Philippine junior record si Mojdeh sa 100m butterfly nang magsumite ito ng 1:04.74 –para burahin ang 1:05.20 ni Camille Buico noong 2016 sa UAAP Swimming Championship.

Nakapaglista rin si Mojdeh ng tournament records sa 200m Indivi­dual Medley (2:31.35), 50m breaststroke (36.69) at 50m butterfly (29.71) habang sumiguro rin ito ng ginto sa 400m Individual Medley (5:21.78) at 200m breaststroke (2:50.23).

Nagdagdag din si Jie Angela Talosig ng isang ginto sa girls’ 12-year 400m freestyle (4:49.63) at tanso sa 100m breaststroke (1:22.19) habang umani ng ginto si Saira Janelle Pabellon sa girls’ 11-year 100m breaststroke (1:21.21).

MICAELA JASMINE MOJDEH PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with