Guiao, Gilas pahihirapan ni Gallinari
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang lalo pang sasakit ang ulo ni national head coach Yeng Guiao sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa darating na 2019 FIBA World Cup.

Ito ay dahil sa paglalaro ni NBA forward Danilo Gallinari para sa Italy sa nasabing world basketball championship na nakatakda sa Agosto 31 hanggang Setyembre 11 sa China.

“We can go all the way,” wika ni Gallinari, nagla­laro sa NBA para sa Los A­ngeles Clippers. “The time has come for us to achieve something special. We’re mature and as a group we shouldn’t put limits on ourselves.”

Bukod sa 6-foot-10 na si Gallinari, inaasahang ipaparada rin ng Italian team si 6’5 NBA guard Marco Belleneli ng San Antonio Spurs.

Nabigo sina Gallinari at Belinelli na dalhin ang Italy sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil nang masibak ng Croatia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Turin.

“We talk about national team all the time,” wika ng 30-anyos na kamador ng Clippers, pinatalsik ng Golden State Warriors sa first round ng 2019 NBA Playoffs. “We’re confident and excited to be there.”

Kasama ng No. 31 Pilipinas sa Group D ng 2019 FIBA World Cup ang No. 4 Serbia, No. 13 Italy at No. 39 Angola.

Ang top two teams sa Group D ang aabante sa second round at makakatapat ang top two squads ng Group C, binubuo ng Spain, Iran, Tunisia at Puerto Rico.

Ang Italy ang unang makakasagupa ng No. 31 Gilas Pilipinas sa Agosto 31 sa pagsisimula ng 2019 FIBA World Cup sa Foshan International Sports and Cultural Center sa Foshan, China.

Sa Setyembre 2 ay makakatapat ng Natio­nals ang mga Serbians, pamumunuan nina NBA players Nikola Jokic (Denver Nuggets), Boban Marjanovic (Philadelphia 76ers), Bogdan Bogdanovic (Sacramento Kings) at Nemanja Bjelica (Sacramento Kings).

Tatapusin ng Gilas Pilipinas ang kanilang mga laro sa eliminasyon sa pagsagupa sa Angola sa Setyembre 4.

2019 FIBA WORLD CUP YENG GUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with