Revellers gustong kumalas sa tanikala
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng Chélu Bar and Grill ang importanteng panalo laban sa Fa­mily Mart-Enderun Colleges upang mapagtibay ang pag-asa nito sa playoffs spot sa pagpapatuloy ng PBA D-League ngayong araw sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Magtutuos ang Revellers at Titans sa alas-4 ng hapon habang magpapang-abot naman sa unang laro sa alas-2 ang National University at University of Perpetual Help System Dalta.

Gitgitan ang bakbakan para sa nalalabing silya sa playoffs sa Aspirants Group kung saan nakasakay ang Revellers sa 5-3 marka.

Kasalo ng Chelu sa No. 4 spot ang Go For Gold-College of St. Benilde at St. Clare College-Virtual Reality na kapwa may 5-3 parehong baraha.

Nais ni Revellers head coach Stevenson Tiu na ibuhos na ang lahat para bahagyang makaangat sa standings.

“We need our players to play their respective roles. We weren’t able to that during the earlier part of the tournament. That's the challenge right now. Win or lose, we need to give our best and hope for the best,” ani Tiu.

Pangungunahan nina Jeff Viernes, Rey Suerte at Jhaps Bautista ang Re­vellers na naghahangad madugtungan ang kanilang two-game winning streak.

Galing ang Chelu sa 115-77 demolisyon sa AMA Online Education noong Mayo 9.

Sa kabilang banda, mataas ang morale ng Family Mart-Enderun na nagtala ng impresibong 116-94 panalo laban sa AMA noong Huwebes.

At desidido ang Family-Mart-Enderun na magarbong tapusin ang kanilang kampanya sa liga.

“Hopefully, we will carry the momentum,” ani Enderun mentor Pipo Noundou na kukuha ng lakas kina Valandre Chauca at dating pros Fonzo Gotladera at Marvin Hayes.

Layunin naman ng National University (3-5) at Perpetual Help (2-6) na magkaroon ng magandang ending ang kanilang laban sa Foundation Group.

CHéLU BAR AND GRILL PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with