Dinakdakan ni Giannis Antetokounmpo ng Bucks si Danny Green ng Raptors sa Game 2 ng kanilang Eastern Conference Fi-nals.
Antetokounmpo bumida Bucks inupuan ang 2-0 lead vs Raptors
(Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE--Dala­wang panalo na lamang ang kailangan ng Bucks para sa una nilang NBA Finals appearance matapos ang 45 taon.

Ito ay matapos talunin ng Milwaukee ang Toronto Raptors, 125-103 sa Game Two at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference finals.

Humataw si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at 17 rebounds habang nagdagdag si Ersan Ilyasova ng 17 points mula sa bench para sa Bucks, may anim na players na tumapos sa double figures.

“When the game started, we did a great job setting the tone,” wika ni Antetokounmpo.

Nagdagdag si Nikola Mirotic ng 15 markers kasunod ang 14, 13 at 12 points nina Malcolm Brogdon, George Hill at Khris Middleton, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Kawhi Leonard ang Raptors mula sa kanyang 31 points kasunod ang 15 at 14 markers nina Kyle Lowry at Norman Powell, ayon sa pagkakasunod.

Gagawin ang Game 3 sa Linggo sa Toronto.

“We get to go back home and protect our home court, like they did these last two games,” sabi ni Lowry.

Ang Bucks, nagposte ng NBA best record na 60-22 sa regular season, ang naging ika-16 koponan na sinimulan ang playoff run sa pagtatala ng 10 panalo sa 11 laro.

Tanging ang 1989 Los Angeles Lakers, 2001 La­kers at 2017 Golden State Warriors ang sinimulan ang postseason sa 11-0.

Samantala, inihayag na ang mga finalists para sa iba’t ibang awards.

Si Antetokounmpo ay finalist para sa MVP at Defensive Player of the Year habang si Milwaukee coach Mike Budenholzer ang finalist para sa Coach of the Year at si Pascal Siakam ng Toronto ang finalist para sa Most Improved Player.

Si Antetokounmpo ang magiging highest finisher ng Bucks sa MVP race matapos si Kareem Abdul-Jabbar na nagwagi noong 1974.

GIANNIS ANTETOKOUNMPO NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with