High Five
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Ika-limang PBA Philippine Cup title ang nakamit ng San Miguel Beer sa Araneta Coliseum.

Ito ang dating All-Filipino.

Ang ibig sabihin, unbeatable ang San Miguel sa labanan na walang imports.

Limang taon.

Sila pa lang ang nakagawa nito. Kahit ang sikat na Crispa team nung 1970s at 1980s hindi ito nagawa.

Hanggang apat na sunod lang ang nakuha ng Crispa nung 1979, 1980, 1983 at 1984. May break na dalawang taon.

Kaya di hamak na mas mahirap ang ginawa ng San Miguel dahil limang sunod na taon.

Walang patid.

Nakasandal ang Beermen kay June Mar Fajardo na may limang sunod na MVP awards na rin.

Kaya ang tingin ko, hanggang namamayagpag si June Mar eh di malayong masundan pa.

Umabot ng Game 7 ang finals na ikalawang sunod na rin sa pagitan ng SMB at Magnolia.

Muntik pa nga manalo ang Magnolia.

Pero kumayod ng husto si June Mar. Si Alex Cabag­not ang game winner pero 31 rebounds naman ang higante ng SMB.

All-time record sa PBA finals.

Di papaawat si June Mar na makamit ang titulo.

Next year ulit. Sumakay ka pa.

PBA SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with