Shooting ng Texters palalakasin ni Hodges
Andrew Dimasalang (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kilalang shooting coach ang kinuha ng Talk ‘N Text upang makatulong nila sa papalapit na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay walang iba kundi ang NBA veteran na si Craig Hodges ayon sa anunsyo ng koponan kamakalawa para sa pagbubukas ng mid-season conference ngayon sa MOA Arena.

Inaasahan ng KaTropa na magiging malaking tulong ang 58-anyos na si Hodges para sa KaTropa na sumasandal sa shoo­ting nito bilang pamalit sa kakulangan nito sa height kontra sa mas malalaking koponan.

Kilala is Hodges bilang miyembro ng Chicago Bulls dynasty ni Michael Jordan simula noong 1991.

Lider ng NBA 3-pts field percentage si Hodges sa tatlong magkasunod na taon at kasama rin si Larry Bird ng Boston Celtics bilang natatanging player na nagkampeon sa NBA All Star Three Point Shootout sa tatlong magkasunod na taon.

Si Hodges din ang natatanging player sa NBA na nakapagbuslo ng 19 na sunod na tres sa Three Point Shootout na siyang patunay na isa siya sa pinakamagaling na tirador sa kasaysayan ng prestihiyosong liga.

Aabot ng dalawang linggo ang pananatili ni Hodges sa TNT bago ito bumalik sa U.S.

Sa kanyang gabay, inaasahang lalong magiging magaling na three point shooting team ang TNT sa pangunguna nina Jayson Castro, Roger Pogoy at Troy Rosario.

CRAIG HODGES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with