Aces, Dyip magpapasiklaban din Parks Jr. bibinyagan na ng Bolts
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itatampok ng Blackwater ang debut ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr. habang tatlo pang koponan ang pupuntirya sa unang panalo sa pagbubukas ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Elite ang Bolts ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng Alaska Aces at Columbian Dyip sa alas-6:45 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Ito ang magiging unang laro ng 6-foot-4 na si Parks para sa Blackwater at sa PBA makaraang tapusin ang kanyang kontrata sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

Taliwas sa inaasa­hang mahabang kontrata ay pumirma lamang ang anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks ng one-year, P2-million deal sa tropa ni coach Aris Dimaunahan, pumalit kay Bong Ramos.

Makakatuwang ni Parks, inaanak ni Meralco coach Norman Black, para sa Elite si dating Bolts reinforcement Alex Stepheson na makakaharap ni NBA veteran Gani Lawal.

Samantala, hindi pa magagamit ni Black ang bagong hugot na si 6-foot-8 Raymond Almazan dahil sa calf injury nito.

Sa ikalawang laro, hinugot naman ng Alaska si Chris Daniels, hindi nakuha noong 2008 NBA Draft, na makakasagupa si ABL import Kyle Barone ng Columbian.

Naglaro ang 6’9 na si Daniels sa NBA Development League para sa Erie Bayhawks, Santa Cruz Warriors at Rio Grande Valley Vipers.

Isinuot ni Daniels ang mga uniporme ng Indiana Pacers at Los Angeles Lakers sa Summer League ngunit nabigong makapasok sa final rosters.

Nakapaglaro siya para sa Brooklyn Nets noong 2015 sa limang preseason games bago binitawan.

Ang 6’10 namang si Barone ang naghatid sa Saigon Heat sa quarterfinals ng ABL kung saan sila sinibak ng CLS Knights.

BOBBY RAY PARKS JR PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with