UAAP Volley Crown balik sa Katipunan Ateneo naisahan ang UST
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal pa ng Ateneo Lady Eagles ang laban at tinapos sa straight sets ang pag-asa ng University of Santo Tomas Tigresses, 25-17, 25-22, 25-22 para angkinin ang kanilang ikatlong titulo kahapon sa Season 81 UAAP women’s volleyball championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Muling nagpakita ng matikas na laro sina Maddie Madayag, Kat Tolentino, Bea De Leon, Deanna Wong, Ponggay Gaston, Jules Samonte at Dani Ravena sa do-or-die battle para tapusin ang best-of-three Finals, 2-1 sa harap mismo ng bagong record 21,347 crowd.

Ang kanilang panalo ay kasunod ng 26-24, 14-25, 25-21, 25-15 panalo sa Game 2 ng serye noong Miyerkules sa MOA Arena rin. Winalis naman ng Tigresses ang Lady Eagles, 25-17, 25-16, 25-20 sa Game 1 noong Mayo 11 sa Araneta Coliseum.

Ito na rin ang ikalawang titulo nina graduating pla­yers Madayag at De Leon na kasama rin sa huling kampeonato ng Lady Eagles noong 2015 na pinangunahan nina Alyssa Valdez at Dindin Lazaro.

Sa taong ito, nahirang si De Leon bilang Finals MVP bunga ng kanyang mala­king kontribusyon sa short series lalo na sa depensa.

“I can finally say now that I’m done here. It’s r­eally a nice and great feeling of being a champion. I’m so blessed that I stayed here in Ateneo and my teammates are also great, without them this won’t happen,” sabi ni De Leon.

Tumapos si Tolentino ng 15 puntos kabilang na ang 11 sa atake, dalawang blocks at dalawang aces habang si Madayag ay tumulong ng 10, anim nito mula sa atake at apat na blocks at tig-anim na puntos naman sina De Leon at Samonte.

“I just believe in God’s plan. This is part of God’s plan. For us to win this championship, it’s because of Him, Our real weapon really is faith, trust and cou­rage,” ayon kay Ateneo coach Oliver Almadro na natamo ang kanyang ika-apat na championship crown sa UAAP kabilang na ang tatlo sa men’s di­­­- vision.

ATENEO LADY EAGLES UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with