Ang Katipunan-based Lady Eagles at España-based Tigresses ay tabla sa parehong 1-1 sa best-of-three Finals kaya tiyak ang mainit na laban sa kanilang paghaharap sa alas-3:30 ng hapon.
Russell Palma
Tigre o Agila?
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City)

3:30 p.m.  UST  vs ADMU

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng top seed Ateneo Lady Eagles at second seed Uni­versity of Santo Tomas Tigresses ang titulo sa ka­nilang pagtatagpo ngayon sa do-or-die battle sa Season 81 UAAP women’s volleyball championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Katipunan-based Lady Eagles at España-based Tigresses ay tabla sa parehong 1-1 sa best-of-three Finals kaya tiyak ang mainit na laban sa kanilang paghaharap sa alas-3:30 ng hapon.

Hangad  ng Tigresses, babanderahan nina gra­duating Sisi Rondina at rookie Eya Laure ang pang-17th titulo habang asam naman ng mga kapwa graduating din na sina Bea de Leon, Maddie Madayag at Kim Gequillana ang ikatlong korona para sa tropa ni coach Oliver Almadro.

Matapos walisin ng Tigresses ang Lady Eagles, 25-17, 25-16, 25-20 sa Game 1 noong Mayo 11 sa Araneta Coliseum,  bumawi naman sina Kat Tolentino, Madayag at Dani Ravena sa Game 2 (26-24, 14-25, 25-21, 25-15) noong Miyerkules sa MOA Arena.

Ang Tigresses ay hu­ling nagkampeon noon pang 2010 sa panahon nina Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz at Aiza Mazo-Pontillas habang back-to-back champion naman ang Ateneo nina Alyssa Valdez, Denden Lazaro at Amy Ahomiro noong 2014 at 2015.

“Sabi ko sa kanila, ‘di tayo susuko. ‘Di pa natin nakukuha ‘yung pangarap natin. Di tayo talo, kasi nanalo tayo nu’ng Game 1, so Game 3 last na. Ibuhos na natin lahat,” sabi ni 2019 MVP Rondina na umiskor ng 22 puntos, 16 digs at walong excellent receptions sa Game 2.

Dahil sa panalo nila sa Game 2, muling lumakas ang tiwala ng Lady Eagles laban sa Tigresses na tinalo rin nila ng dalawang beses sa elimination round.

“Wala namang makakatalo sa amin if we play happy and we follow coach Oliver Almadro’s instructions.Pumapasok talaga sa isip namin na this is our last game kaya lalaban talaga kami,” ayon naman kay Madayag na umukit ng panibagong UAAP record 11 blocks sa laro nila kontra sa Tigresses sa second round elimination noong Marso 20. Ang dating record ay 9 blocks ni Celine Hernandez ng DLSU.

SEASON 81 UAAP WOMEN’S VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with