Umiskor si guard Stephen Curry ng 37 points at nakabawi ang Warriors mula sa 15-point halftime deficit para takasan ang Portland Trail Blazers, 114-111 sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series.
AFP
Warriors inakay ni Curry sa 2-0
(Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California — Kahit hindi nakita sa aksyon si top scorer Kevin Durant dahil sa kanyang strained right calf injury ay naitayo pa rin ng Golden State Warriors ang 2-0 bentahe sa Western Conference Finals.

Umiskor si guard Stephen Curry ng 37 points at nakabawi ang Warriors mula sa 15-point halftime deficit para takasan ang Portland Trail Blazers, 114-111 sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series.

“We've been here before,” wika ni forward Draymond Green, humakot ng 16 points, 10 rebounds, 7 assists at 5 blocks.

Ito naman ang ikatlong sunod na 30-point performance ni Curry habang ang kanyang 'Splash Brother' na si Klay Thompson ay humugot ng 13 sa kanyang 24 points sa first half.

Ibinigay ni Seth Curry, ang nakababatang kapatid ni Stephen Curry, sa Bla­zers ang 111-110 bentahe mula sa kanyang three-point shot sa huling 1:03 minuto ng fourth period.

Nagsalpak naman si center Kevon Looney ng dunk para sa 112-111 abante ng Warriors.

Naimintis ni CJ McCollum ang kanyang driving jumper sa huling 32 segundo sa panig ng Portland kasunod ang basket ni Green para sa three-point lead ng Golden State.

Natapik naman ni Warriors' defender Andre Iguodala ang bola mula sa 3-point attempt ni Damian Lillard ng Blazers sa natitirang 12.3 segundo ng labanan.

Nagdagdag naman si Lillard ng 23 points at 10 assists.

Nakatakda ang Game Three sa Portland sa Sabado.

KEVIN DURANT STEPHEN CURRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with