Nag-pose sina Gerry Peñalosa ng Gerrypens Promotions (ika-5 sa kaliwa, ikalawang hanay) at ESPN5 president Chot Reyes (katabi ni Gerry) kasama ang mga boxers na kakasa sa ‘Ultimate Boxing Series: Kamaong Pinoy.”
ESPN5 inilunsad ang Ultimate Boxing Series
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ng ESPN5 at Gerrypens Promotions ang bagong “Ultimate Boxing Series: Kamaong Pinoy” bilang boxing tournament prog­ram para sa pagdiskubre ng mga bagong talento sa professional boxing simula ngayong Hunyo.

Sinabi ni ESPN5 president Chot Reyes na sa isi­nagawa nilang qualifying competitions sa Luzon, Visayas at Mindanao, nakapili sila ng kabuuang 20 boxers mula sa iba’t ibang stables at promoters para magsanay at maglalaban-laban sa  pag-iingat ni da­ting two-time world champion Gerry Peñalosa.

“Sa isinagawa naming try-outs, kailangang future champion ka para ka mapili. Quality at hindi quantity ang aming binabasehan,” sabi ni dating Gilas basketball team coach Reyes sa paglunsad sa bagong programa sa Midas Hotel sa Pasay City.

Sampung boksingero sa flyweight division at sampu rin sa bantamweight division ang napiling maghaharap at maglalaban live sa ESPN5 Studio sa Novaliches, Quezon City.

“We have chosen to limit the category to only flyweight and bantamweight divisions dahil ito ‘yung weight division na proven na nag-excell ang mga Filipino boxers sa world professional boxing campaign,” ayon naman kay Peñalosa.

Sa flyweight division (112-lbs), maghaharap sina Ronel Sumalpong ng Bebot Elorde boxing club at Ruben Dadivas ng MP Davao bo­xing club sa elimination round habang magtatagpo naman sina Joseph Bayubay ng Alchemist Multimedia, Calumpit, Bulacan at Christoval Furog ng Kaamino Stable, Valencia, Bukidnon.

Inaasahan din ang ma­gandang laban sa pagitan nina Ian Refuela ng Phil-Australia Club ng Cebu City at Welben Montere ng Don Punch boxing ng Marikina City at sina April Jay Abne ng Wild boxing club, Lahug, Cebu  laban kay Ronel de la Cruz ng Kaamino Stable, Bukidnon at sina Denmark Quibido ng ATA boxing club ng Tayug, Pangasinan kontra kay Rey Tagulaylay ng MP Davao City boxing team.

Tiyak din ang mainit na laban sa bantamweight (118-lbs) division sa pa­ngunguna nina Leinard Sarcon ng MP Davao City club kontra kay Rimon Rama ng Phil-Australia, Mandaue City at nina Dave Barlas ng Bigwas He­neral boxing camp, Ge­neral Santos City laban kay Alium Pelesio ng Luis Marty Elorde boxing club, Parañaque City.

ULTIMATE BOXING SERIES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with