Eya lalaro sa Game 3
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit may iniindang sakit sa paa, nangako ang Rookie of the Year na si Eya Laure na maglalaro sa Game 3 bukas upang tuparin ang pangakong angkinin para sa University of Santo Tomas Tigresses ang titulo sa Season 81 UAAP women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Sa susunod na laro asahan n’yo, magpapaga­ling ako para sa Game 3,” sabi  ng 19-anyos na si Laure matapos ang kanilang  24-26, 25-14, 21-25, 15-25  talo sa mga kamay ng Ateneo Lady Eagles sa Game 2 ng best-of-three Finals series noong Miyerkules.

Kapwa tabla ang top seed Lady Eagles at second seed Tigresses sa parehong 1-1 sa short series kaya hindi na iniisip ni Laure ang natamong mild left ankle injury basta lamang makuha ang korona para sa España-based team.

“Maraming nagmo-motivate sa akin na pagsubok lang ‘to na hindi rito natatapos eh. Kaya nga may Game 3 pa ‘di ba? Para sa akin, pagsubok lang ‘to na dapat lagpasan para manalo, pagsubok lang ‘to na dapat malagpasan para makamit ‘yung gusto mong makuha and for me naman babangon at babangon talaga kami at  hindi ako susuko ng ganun-ganon lang,” dagdag ni Laure.

Pagkatapos ng laro nakalakad pa ang anak ni dating PBA stalwart na si Eddie Laure, na walang alalay, ngunit ang kanyang kaliwang bukong-bukong ay naka-wrapped sa tape.

“Ngayon, masakit talaga siya iyeyelo ko na lang siya,” dagdag ni Laure na tumapos ng 10 puntos sa Game 2 at 11 puntos sa Game 1 kung saan tinalo nila ang Ateneo sa straight sets, 25-17, 25-16, 25-20 noong  Mayo 11 sa  Big Dome.

“Pinilit ko talaga na bumalik pero wala eh, kumapos din talaga. Ginawa ko na lahat na puwede kung gawin pero wala, masakit nga,” pahayag ni Laure na naglalaro pa rin hanggang sa mga huling minuto ng laban kung saan lumamang na ng sampung puntos ang Ateneo sa ika-apat na set.

SEASON 81 UAAP WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with