Ngunit hindi pa kaagad makakapaglaro ang two-time reigning NBA Finals MVP sa pagsagupa ng Warriors laban sa Portland Trail Blazers sa best-of-seven championship series.
AFP
Sa bench lang muna si Durant
(Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

OAKLAND, California — Pinanood ni Kevin Durant mula sa kanyang bahay sa Bay Area ang pagsibak ng Golden State Warriors kay James Harden at sa Houston Rockets sa Game Six ng Western Conference semifinals series.

Ngunit hindi pa kaagad makakapaglaro ang two-time reigning NBA Finals MVP sa pagsagupa ng Warriors laban sa Portland Trail Blazers sa best-of-seven championship series.

Dahil sa natamong strained right calf ay iuupo ni Durant ang Games One at Two ng Western Confe­rence Finals.

Nakuha ni Durant ang injury sa Game Five ng semis showdown ng Warriors laban sa Houston.

“Everyone needs to slow down a little bit on the Kevin stuff. He hasn't even stepped on the floor yet,” sabi ni Golden State head coach Steve Kerr isang araw bago ang Game One.

Ipinakita ng Warriors na kaya nilang manalo nang wala si Durant.

Kumamada si Stephen Curry sa second half kung saan humataw siya ng 33 points makaraan ang halftime.

Muling makakatuwang ni Curry ang kanyang 'Splash Brother' na si Klay Thompson sa pagsagupa ng two-time defending champions laban sa Blazers sa confe­rence Finals.

Itatapat ng Portland sina Damian Lillard at CJ McCollum katuwang si Seth Curry, ang nakababatang kapatid ni Stephen.

Winalis ng Warriors ang Blazers sa first round noong 2017 kung saan nagtala sila  ng 16-1 postseason run.

KEVIN DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with