Women’s baseball team isasabak sa China meet
Olmin Leyba (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon ay bubuo ang Pilipinas ng isang women’s baseball team para  isabak sa 2nd BFA Women’s Baseball Asian Championship sa China sa Nobyembre.

Sinabi ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) vice president Boy Tingzon na kumpiyansa siyang makakapagtala ng panalo ang koponang kabibilangan ng mga dating softball players para sa kanilang international debut sa nasabing torneong magsisilbing qualifiers sa Women’s Baseball Cup.

“We have the potential to be in the Top 10 in the world in women’s,” wika ni Tingzon, ang namamahala sa wo­men’s at youth teams.

Ang tropa ay hahawakan ni head coach Egay delos Reyes.

Samantala, binubuo rin ng PABA ang men’s at U15 teams na ilalahok sa ilang major international meets.

Sasalang ang men’s team sa 29th Asian Baseball Championship sa Chinese-Taipei, ang qualifying tourney para sa 2020 Tokyo Olympics at pupuntiryahin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Maglalaro naman ang youth squad sa BFA U15 Asian Baseball Championships sa Shenzhen, China sa Agosto.

2ND BFA WOMEN’S BASEBALL ASIAN CHAMPIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with