Nagpipilit lumusot si Jimmy Butler ng 76ers sa depensa ni Danny Green ng Raptors.
76ers itinulak ang Game 7
(Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

PHILADELPHIA--Pinatotohanan ni Jimmy Butler ang kanyang 'Jimmy Buckets' nickname para tulungan ang 76ers na talunin ang Toronto Raptors, 112-101 sa Game Six at puwersahin ang Game Seven sa kanilang Eastern Conference semifinals series.

Nagsalpak si Butler ng 25 points para itabla ang Philadelphia sa Toronto sa 3-3 sa kanilang best-of-seven championship series.

Ang Game 7 ay gagawin sa Toronto.

Nagdagdag naman si All-Star guard Ben Simmons ng 21 points para ibangon ang Philadelphia sa pagmasaker ng Toronto sa kanila sa Game 5.

Humakot si center Joel Embiid, may bad left knee at stomach bug, ng 17 points at 12 rebounds sa loob ng 35 minutong paglalaro para sa 76ers.

Kaagad umiskor si Butler ng 19 points sa first half para bigay sa 76ers ang 58-43 abante.

Ang baseline three-point shot ni JJ Reddick ang nagbigay sa Philadelphia ng 104-84 bentahe sa huling 4:23 minuto ng fourth quarter para tuluyan nang gibain ang Philadelphia.

Sa Portland, humataw si Damian Lillard ng 32 points, kasama rito ang 17 sa third quarter para tulungan ang Trail Blazers na talunin ang Denver Nuggets sa Game Six, 119-108 sa kanilang semifinals showdown.

Ang mananalo ang sasagupa sa magwawagi sa pagitan ng Golden State Warriors at Houston R­ockets.

76ERS JIMMY BUCKETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with