^
Isa na lang sa Bucks; Harden itinabla ang Rockets
Iniwanan ni James Harden ng Rockets si Andre Iguodala ng Warriors sa aksyong ito.

Isa na lang sa Bucks; Harden itinabla ang Rockets

(Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2019 - 12:00am

BOSTON, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 39 points at 16 rebounds para banderahan ang Bucks sa 113-101 paggiba sa Celtics sa Game Four ng kanilang second-round playoff series.

Inilapit ng Milwaukee ang kanilang sarili para sa una nilang Eastern Confe­rence Finals sapul noong 2001.

Kinuha ng Milwaukee ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven showdown ng Boston para sa ikatlong sunod na ratsada makaraang matalo sa series opener.

Maaari nang sibakin ng Milwaukee ang Boston sa Game Five sa Miyerkules.

Huling naglaro ang Bucks sa East Finals noong 2001 team sa pa­mumuno nina Ray Allen at Glenn Robinson kung saan sila natalo sa Philadelphia 76ers na pinangunahan nina Allen Iverson at Dikembe Mutombo.

Sa Houston, humataw si James Harden ng 38 points para pangunahan ang Rockets sa 112-108 paglusot sa Golden State Warriors at itabla sa 2-2 ang kanilang Western Confe­rence semifinals series.

Nakabawi ang Houston mula sa 0-2 pagkakaiwan ng Golden State at maglalaro sa balwarte ng Warriors sa Miyerkules para sa Game Five.

Inilista ng Rockets ang nine-point lead bago nakalapit ang nagdedepensang kampeon sa 108-110 agwat tampok ang 3-pointer ni Stephen Curry sa natitirang 19 segundo sa fourth quarter.

Tumipa si Harden ng isang free throw sa hu­ling 11.5 segundo para sa 111-108 abante ng R­ockets, ngunit nagmintis si Kevin Durant sa kanyang 3-point attempt sa panig ng W­ariors.

Nakuha ng Golden State ang rebound subalit nabigo si Curry sa 3-point line na nagresulta sa foul shot ni Chris Paul para selyuhan ang panalo ng Houston.

ANDRE IGUODALA GIANNIS ANTETOKOUNMPO JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with