Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula
Mojdeh, Dula nag-ambag ng ginto sa NCR sa Palaro
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagningning sina Marc Bryan Dula ng Masville Elementary School-Parañaque at Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque matapos humakot ng gintong medalya para sa powerhouse National Capital Region team sa 2019 Palarong Pambansa na ginanap sa Davao City.

Engrande ang unang pagsalang ni Dula sa Palarong Pambansa nang agad siyang makasikwat ng tatlong ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa boys’ elementary division.

Sa kabila ng iniindang stiff neck, pinagharian pa rin ni Dula ang 50m backstroke, 50m butterfly at 100m backstroke, habang sumiguro ito ng pilak na medalya sa 4x100m medley relay at tanso naman sa 100m butterfly.

Hindi rin nagpakabog si Mojdeh nang umani siya ng tatlong ginto at isang pilak tampok ang dalawang bagong Philippine junior record sa kabila ng pagiging first-year participant sa girls’ secondary class.

Unang umariba si Mojdeh sa 200m butterfly nang itarak niya ang dalawang minuto at 22.69 segundo para tabunan ang Philippine junior record na 2:26.13 ni Regina Maria Paz Castrillo noong 2013.

Nakasiguro pa ng pilak si Mojdeh sa 200m Individual Medley tangan ang 2:30.11 para wasakin ang lumang marka ni Raven Faith Alcoseba na 2:31.04 na naitala sa Batang Pinoy National Championship noong 2015.

Bahagi rin si Mojdeh ng NCR relay team na nagkampeon sa 4x50m freestyle relay at sa 4x100m medley relay bago makahirit pa ng pilak sa 100m butterfly.

“Grateful for your Palarong Pambansa debut in High School. Records have been established. Best times have been made. More friends have been gained. You have been consistent with your times and that you did an amazing job as a 12 yr old rookie player in High School,” ani Joan Mojdeh sa kanyang anak.

MARC BRYAN DULA MICAELA JASMINE MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with