Mainit ang buwelta nina super imports Stephanie Niemer at Katherine Bell na pinamunuan ang kanilang tropa sa lahat ng aspeto ng laro - sa attack line, floor defense at net defense - upang buhatin ang Blaze Spikers sa kampeonato.
Ernie Peñaredondo
Petron Kampeon
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napigilan ng Petron ang paghahabol ng F2 Logistics sa huling sandali ng laro, 26-24, 25-19, 23-25, 25-19 para matagumpay na maipagtanggol ang kanilang titulo sa 2019 Phi­lippine Superliga Grand Prix kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Mainit ang buwelta nina super imports Stephanie Niemer at Katherine Bell na pinamunuan ang kanilang tropa sa lahat ng aspeto ng laro - sa attack line, floor defense at net defense - upang buhatin ang Blaze Spikers sa kampeonato.

Ibinuhos na ni Niemer ang buong lakas nito para makalikom ng impresibong 28 attacks, dalawang aces at isang block para manduhan ang Blaze Spikers sa panalo.

Nagningning din ang local players partikular na sina middle blockers Mika Reyes at Remy Palma gayundin sina playmaker Rhea Dimaculangan at libero Denden Lazaro na siyang kaakibat ng mga imports.

Matamis na tagumpay ito para sa 6-foot-1 na si Niemer na bigong bigyan ng titulo ang Petron noong 2016 edisyon ng Grand Prix matapos matalo ang Blaze Spikers sa Foton Tornadoes sa championship round.

Tinapos ng Blaze Spi­kers ang best-of-three championship series ta­ngan ang 2-1 desisyon.

Ito ang ikatlong Grand Prix title ng Petron at ika­anim na titulo sa kabuuan.

Pinagreynahan din ng Blaze Spikers ang 2014 Grand Prix Conference, 2015 All-Filipino Confe­rence, 2017 All-Filipino Conference, 2018 Grand Prix Conference at 2018 All-Filipino Conference.

PETRON VS F2 LOGISTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with