Humakot din si Embiid ng 10 rebounds para pangunahan ang Sixers na hangad ang una nilang NBA championship sapul noong 1983.
AFP
76ers inakay ni Embiid sa 2-1
(Pilipino Star Ngayon) - May 4, 2019 - 12:00am

PHILADELPHIA-- Kumamada si Joel Embiid ng 33 points sa gitna ng pagsigaw sa kanyang "MVP!" para banderahan ang 76ers sa 116-95 panalo kontra sa Toronto Raptors.

Inagaw ng Philadelphia ang 2-1 lead sa kanilang Eastern Conference semifinal series ng Toronto.

Humakot din si Embiid ng 10 rebounds para pangunahan ang Sixers na hangad ang una nilang NBA championship sapul noong 1983.

Bumida si Embiid, nagtala ng 12-of-13 shooting sa free throw line, sa third quarter tampok ang isang three-point shot para sa kanilang 12-point lead laban sa Raptors.

Ang dunk naman ni Jimmy Butler, nagbida sa panalo ng Philadelphia sa Game Two, para tuluyan nang igupo ang Toronto.

Tumapos si Butler na may 22 points.

Nagyakapan naman sina Hall of Famer Allen Iverson at rapper Meek Mill sa courtside seats sa pagselyo ng panalo ng Sixers, dalawang panalo ang layo para sa kanilang unang Eastern Conference final appearance matapos noong 2001.

Humataw naman si Kawhi Leonard ng 33 points sa panig ng Raptors, nakahugot kay Pascal Siakam ng 20 markers.

Muling pamamahalaan ng Philadelphia ang Game Four sa Linggo. 

JOEL EMBIID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with