Amogius, Cabalo bida sa 10 gold ng Team PH
(Pilipino Star Ngayon) - April 29, 2019 - 12:00am

DARWIN, Australia – Hinirang sina Lora Micah Amogius at John Lloyd Cabalo bilang double gold winners sa pag-angkin ng Team Philippines ng 10 gold medals sa Day 1 ng 2019 Arafura Games.

Nilangoy ni Amogius ang dalawang gold medals sa girls’ 13-14 100m backstroke at 200m individual medley habang nanguna naman si Cabalo sa men’s 400m run at 4x100m relay sa athletics para sa koponang suportado ng Philippine Sports Commission at Standard Insurance.

Nagsumite ang13-anyos na si Amogius ng 1:10.53 sa 100m backstroke para ungusan si Taila Jane Wilkinson ng Western Australia (1:12.19).

Umibabaw naman ang Davao City tanker sa 200m IM sa bilis na 2:33.63 para muling talunin si Wilkinson sa event na idinaos sa Parap Swimming Pool.

Inangkin naman ni Amogius ang silver medal sa 200m freestyle medley.

Sa Marrara Sporting Complex, itinakbo ng 18-anyos na si Cabalo ang gintong medaya sa 400m run sa bilis na 50.73 segundo para unahan sina Blair Andrews (52.08) at Joseph Salmon (52.34) ng Northern Territory.

Sumama naman ang National University standout kina Joviane Calixto, Jason Buenacosa at Romel Bautista para banderahan ang 4x100m relay sa tiyempong 43.49 segundo para ungusan ang mga tropa ng Northern Territory at Malaysia.

Anim pang ginto ang inangkin ng Team Philippines bukod pa sa 12 silvers at 6 bronzes sa unang araw ng multisports competition.

LORA MICAH AMOGIUS TEAM PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with