Haharapin ng Petron ang Cignal sa alas-4:15 ng hapon samantalang aariba ang F2 Logistics laban sa PLDT Home Fibr sa alas-7 ng gabi.
facebook
Petron, F2 Logistics asam ang Finals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng nagdedepensang Petron at F2 Logistics na maiselyo ang championship showdown sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na bakbakan sa Game 2 ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three semifinal series ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Petron ang Cignal sa alas-4:15 ng hapon samantalang aariba ang F2 Logistics laban sa PLDT Home Fibr sa alas-7 ng gabi.

Nahablot ng Blaze Spi­­kers ang 1-0 lead sa se­mis nang kubrahin nito ang 20-25, 25-14, 25-13, 25–18 panalo sa HD Spi­kers noong Martes ng gabi.

Magugunitang natalo ang Petron sa first set subalit minanduhan nina American imports Katherine Bell at Stephanie Niemer ang matikas na pagresbak ng tropa upang pulbusin ang Cignal sa tatlong sumunod na sets para makuha ang panalo.

Parehong kumana sina Bell at Niemer ng 24 puntos.

“I think losing a set is part of the game. The important thing is how you reacted and how you bounced back after that loss. Starting slow was expected since we came out from a very long break, 17 days, I think. But it’s good that we managed to recover,” ani Petron head coach Shaq Delos Santos.

Sa kabilang banda, nakauna rin ang Cargo Movers na galing sa 25-14, 17-25, 25-16, 25-22 panalo sa Power Hitters sa Game 1 noong Martes.

Hataw sa naturang laro si two-time MVP awardee Lindsay Stalzer na siyang bumuhat sa Cargo Movers kasama si Venezuelan MJ Perez.

F2 LOGISTICS PHILIPPINE SUPERLIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with