CEU pakay ang playoffs
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Centro Escolar University na masungkit ang unang tiket sa playoffs sa pagsagupa nito sa SMDC-National University sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakasagupa ng Scorpions ang Bulldogs sa alas-3 ng hapon matapos ang engkuwentro ng University of Perpetual Help System Dalta at Valencia City Bukidnon-San Sebastian College Recoletos sa alas-11 ng umaga at ng Cignal-Ateneo de Manila University at Batangas-Emilio Aguinaldo College sa ala-una.

Tanging ang apat na mangungunang koponan sa Aspirants Group at Foundation Group matapos ang single round-robin elimination ang uusad sa playoffs. Ang Top 2 teams sa dalawang grupo ay mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage.

Hawak ng CEU ang solong pamumuno sa Foundation Group bitbit ang imakuladang 6-0 rekord kung saan isang panalo na lamang ang kailangan nito para masikwat ang una sa apat na silya sa playoffs sa kanilang grupo.

Nasa ikalawa ang Metropac (5-1) kasunod ang Valencia (4-1) at Chadao-FEU (4-3).

2019 PBA D-LEAGUE CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with