Lumapit ang nagdedepensang San Miguel sa championship ticket matapos paluhurin ang Phoenix, 114-91, sa Game Four ng kanilang semifinals series sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
PBA Images
San Miguel amoy na ang Finals
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

7 p.m. Magnolia vs ROS

MANILA, Philippines — Nang kumawala ang mga Beermen sa dulo ng second quarter ay hindi na nila nilingon pa ang mga Fuel Masters.

Lumapit ang nagdedepensang San Miguel sa championship ticket matapos paluhurin ang Phoenix, 114-91, sa Game Four ng kanilang semifinals series sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bumangon ang Beermen mula sa naunang 90-92 kabiguan sa Game Three para ilista ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven semis wars ng Fuel Masters.

Kung muling mananalo sa Game Five bukas ay papasok ang four-time Philippine Cup champion sa kanilang ika-41 Finals stint at target ang pang-26 korona.

Isinara ng San Miguel ang first period sa 27-20 bago iposte ang 27-point lead, 89-62, buhat sa three-pointer ni Terrence Romeo sa huling 35 segundo ng third quarter.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Phoenix.

Samantala, isa lamang sa Magnolia at Rain or Shine ang makakalapit sa tiket sa PBA Finals.

Kaya inaasahang magrarambulan ang Hotshots at Elasto Painters para maiposte ang 3-2 kalamangan sa kanilang semifinals wars sa Game Five ngayong alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

“We just only tied the series,” sabi ni coach Chito Victolero matapos itakas ng kanyang Magnolia ang 94-91 panalo laban sa Rain or Shine sa Game Four kamakalawa ng gabi. “It boils down to a best-of-three.”  

2019 PBA PHILIPPINE CUP SAN MIGUEL BEERMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with