Ito ang unang pagmartsa ng Bucks sa se­cond round matapos noong 2001.
AFP
Bucks kakasa sa Celtics
(Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

DETROIT — Nagpasabog si Giannis Anteto­kounmpo ng 41 points para banderahan ang Milwaukee Bucks sa 127-104 pagsibak sa Pistons sa Game Four at kumpletuhin ang four-game sweep patungo sa second round ng playoffs.

Ito ang unang pagmartsa ng Bucks sa se­cond round matapos noong 2001.

Isinara ng Milwaukee ang third quarter sa pamamagitan ng 17-3 atake para itayo ang 10-point lead pa­punta sa fourth period matapos manguna ang Detroit.

Nagtala ang Pistons ng NBA record na ika-14 sunod na playoff loss na nagsimula noong 2008.

Lalabanan ng Bucks ang Boston Celtics sa se­cond round. Winalis din ng Celtics ang Indiana Pacers, 4-0 sa first round.

Umiskor si Reggie Jackson ng 26 points sa panig ng Detroit, nakakuha ng 22 markers kay Blake Griffin na na-foul out sa 7:06 minuto ng laro.

Sa Salt Lake City, humugot si Donovan Mitchell ng 19 sa kanyang 31 points sa fourth quarter para akayin ang Utah Jazz sa 107-91 paggupo sa Houston Rockets sa Game Four ng kanilang Western Confe­rence first-round series.

Nag-ambag si Jae Crowder ng 23 points habang naglista si Ricky Rubio ng 18 points at 11 assists para ilapit ang Jazz sa Rockets sa 1-3 sa kanilang serye. 

GIANNIS ANTETO­KOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with