Gabuco, Marvin sa semis na rin
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahirit din ng tiket sa semis sina reigning Southeast Asian Games champion John Marvin at dating World Championship gold medallist Josie Gabuco matapos magsumite ng impresibong panalo sa kani-kanilang dibisyon sa prestihiyosong 2019 Asian Boxing Elite Championships na ginaganap sa Hua­mark Indoor Stadium sa Bangkok, Thailand.

Inilista ni Marvin ang 4-1 unanimous decision win laban kay Daneshvar Hossein ng Iran sa quarterfinals ng men’s light heavyweight division.

Nakuha ni Marvin ang boto ng apat na hurado mula Uzbekistan (30-27), Turkey (29-28), Japan (29-28) at Tajikistan (29-28) habang pumabor sa Iranian pug ang Hungarian judge na nagbigay ng 29-28 iskor.

Aarangkada sa semis si Marvin laban kay Shinebayar Narmandakh ng Mongolia na nagsumite ng 4-0 unanimous decision win kay Anavat Thongkrathok ng host Thailand sa hiwalay na quarterfinal bout.

Hindi rin maawat si Gabuco na nailusot ang 3-2 split decision win kay Alua Balkibekova ng Kazakhstan sa quarterfinals ng women’s light flyweight category.

JOHN MARVIN JOSIE GABUCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with