Ateneo, La Salle may pupuntiryahin
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)

8 a.m. UP vs NU (M)

10 a.m. FEU vs DLSU (M)

2 p.m. UE  vs DLSU (W)

4 p.m. ADMU vs ADU (W)

MANILA, Philippines — Target ng Ateneo Lady Eagles ang unang twice-to-beat bonus sa pagharap sa Adamson Lady Falcons habang asam ng DLSU Lady Spikers na lumapit sa ikalawang twice-to-beat kontra sa UE Lady Warriors sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP volleyball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Lady Eagles at Lady Falcons sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laro ng Lady Spikers at Lady Warriors sa alas-2 ng hapon.

Sa men’s division, magtatagpo naman ang NU Bulldogs (11-1) at UP Figh­ting Maroons (1-11) sa alas-8 ng umaga at ang FEU Tamaraws (10-2) laban sa DLSU Green Spikers (4-8) sa alas-10 ng umaga.

Tanging ang twice-to-beat advantage sa Final Four na lang ang patuloy na pag-aagawan ng A­teneo (10-2), De La Salle (9-3) at UST Tigresses (9-4) kaya inaasahan pa rin ang magandang laban hanggang sa huling araw ng elimination sa Abril 28.

Nakopo naman ng FEU Lady Tamaraws ang ika-apat na semis berth sa kanilang 8-5 card habang tanggal na ang UP Lady Maroons  (6-7), NU Lady Bulldogs (4-9), UE Lady Warriors (3-9) at Adamson Lady Falcons (1-11) kaya ang huli nilang mga laro ay hindi na makakaapekto sa semifinal casts.

Kailangan lang ng Lady E­agles na manalo ng isa sa huling dalawang laro para sa posibleng sosyohan sa liderato kasama ang DLSU sa parehong 11-3 record at angkinin ang isa sa dalawang semis bonus.

SEASON 81 UAAP VOLLEYBALL TOURNAMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with