^

PSN Palaro

Phoenix nakalusot

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phoenix nakalusot
Isang mala-pader na screen ang ibinigay ni Jason Perkins ng Phoenix laban kay Chris Ross ng San Miguel sa Game Three kagabi.
Jun Mendoza

Hotshots tatabla naman sa Elasto Painters

MANILA, Philippines — Sumandal ang Phoenix  kay Matthew Wright sa dulo ng final canto para ibigay sa Phoenix ang unang panalo sa kanilang semifinals series ng nagdedepensang San Miguel.

Anim na sunod na free throws ang isinalpak ni Wright sa huling minuto ng laro para sa 92-90 pagtakas ng Fuel Masters laban sa Beermen sa Game Three ng kanilang semis wars sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nakabawi ang Phoenix mula sa kabiguan sa Games One at Two para ila­pit ang kanilang best-of-seven semis showdown ng San Miguel sa 1-2.

Samantala, walang ibang nasa isip ang Magnolia kundi ang makatabla sa Rain or Shine sa kanilang best-of-seven semifinals series.

Nakaiwas ang Hotshots na mahulog sa 0-3 butas matapos agawin ang 85-74 panalo sa Game Three para makalapit sa Elasto Painters sa 1-2.

“It’s a very important game as we have a chance to tie the series. Our defense, effort and energy will be key factors,” sabi ni coach Chito Victolero ma­tapos ang naturang pa­nalo ng kanyang Magnolia kontra sa Rain or Shine.

Determinado ang Hotshots na maitabla sa 2-2 ang kanilang serye ng Elasto Painters sa Game Four ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Bagama’t natalo sa ikatlo nilang pagkikita ng Hotshots ay kumpiyansa pa rin si Elasto Painters mentor Caloy Garcia.

“We still remain confident and we’re going to bounce back,” ani Garcia.

Binigyan ni Victolero ng two-day break ang Magnolia.

Muling aasahan ng Magnolia sina Ian Sanga­lang, Paul Lee, Mark Barro­ca at Jio Jalalon katapat si­na two-time PBA MVP James Yap, Gabe Nor­wood, Beau Belga at Rey Nambatac.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

MATTHEW WRIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with