Biado bigo kay Cheng  sa finals ng World Pool
Si Pinoy cue master Carlo Biado sa isang sinalihang torneo.
Biado bigo kay Cheng sa finals ng World Pool
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumasap si 2017 World 9-Ball titlist Carlo Biado ng dikitang 11-12 kabiguan sa mga kamay ni Kevin Cheng ng Chinese-Taipei sa finals upang magkasya sa runner-up trophy ng 2019 World Pool-Billiard Association (WPA) Players Championship na ginanap sa Griffs Billiards sa Las Vegas, Nevada.

Napasakamay ni Cheng ang tumataginting na $10,000 papremyo, habang hindi naman uuwing luhaan si Biado na nagkamit ng $7,000 bilang konsolasyon.

May tsansa sana si Biado na masikwat ang kam­peo­nato nang magtala siya ng 8-5 kalamangan.

Ngunit nagmintis ang Pinoy cue master sa No. 4 ball, bagay na sinamantala ng Taiwanese para makabalik sa porma at mahablot ang panalo.

Umabante sa finals si Biado nang magtala ng 9-6 panalo laban kay Chang Yu-ung ng Chinese-Taipei sa semifinal round.

Naharang naman ni Cheng ang tangkang all-Filipino finale matapos igupo si Pinoy cue artist Johan Chua, 9-6, sa hiwalay na semis match.

Kabilang sa mga pinataob ni Biado ay sina Ruben Bautista Escaler sa first round, 7-3, Skyler Woodward sa second round, 7-5, Yang Ching-Shun ng Chinese-Taipei sa third round, 7-6, at Shane Van Boening sa quarterfinals, 7-4.

Nagtapos sa ikatlo si Chua para sa $5,000 konsolas­yon, habang magkasosyo sa ika-siyam sina Raymund Faraon at James Aranas na kapwa nagkamit ng $1,500 matapos makaabot sa third round.

Tinalo ni Faraon sina Robbie Capito sa first round, 7-5, at Corey Deuel sa second round, 7-3, ngunit yumuko  siya kay Ralf Souquet sa third round, 0-7, habang namayani naman si Aranas kina Justin Bergman sa first round, 7-0, Naoyuki Oi sa second round, 7-5, bago natalo kay Chang Yu Lung sa third round, 6-8.

CARLO BIADO KEVIN CHENG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with