Pitong Pinoy riders sasabak sa Asian Road Cycling Championships
CHORVOQ, Uzbekistan -- Babanderahan ni Daniel Ven Cariño ang anim pang Pinoy bets sa paglahok sa 2019 Asian Road Cycling Championships.
Hangad ng grupo na sundan ang mga yapak nina Rustom Lim at Rex Luis Krogg na nag-uwi ng medalya sa nasabing annual continental race.
Sasabak ang 21-anyos na si Cariño, ang Best Young Rider noong 2018 Le Tour de Filipinas, ng Mangaldan, Pangasinan sa una sa dalawa niyang events na 40-kilometer Men Under-23 individual time trial (ITT).
Mauuna namang sasalang ang 18-anyos na si Marc Ryan Lago ng Taguig City sa 30-km Men Junior ITT para sa koponang ipinadala nina PhilCycling President Abraham Tolentino at Secretary General Atty. Billy Sumagui.
Ang kampanya ng tropa ay suportado ng Go For Gold, isa sa limang PhilCycling stakeholders kabilang ang Standard Insurance ni Judes Echauz.
Ang men junior squad ay binubuo nina Lago, Efren Reyes Jr. (18) at Ean Cajucom (17).
- Latest