Ibabaon pa! San Miguel didikit na sa finals
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangga’t maaari ay ayaw nang bigyan ng nag­de­depensang San Miguel ng tsansa ang Phoenix na ma­pahaba ang kanilang best-of-seven semifinals se­ries.

Bitbit ang 2-0 bentahe, pipilitin ng Beermen na ma­kalapit sa tiket sa 2019 PBA Philippine Cup Finals sa pakikipagtuos sa Fuel Masters sa Game Three ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Co­­liseum.

“We should prepare hard for the third game,” sabi ni coach Leo Austria sa San Miguel, tinalo ang Phoenix sa Game One, 100-88, at Game Two, 92-82.

Dahil dito ay inilapit ng Beermen ang kanilang sa­rili sa tinatarget na pang-limang sunod na korona ng PBA Philippine Cup.

Inaasahan ni Beermen sniper Marcio Lassiter na mas magiging agresibo pa ang Fuel Masters para ma­agaw ang Game Three.

“It’s gonna be a dog fight. It’s gonna be a physical series, we can’t be complacent,” ani Lassiter. “We have to come out on Sunday locked and loaded.”

Mula sa Game One hanggang sa Game Two ay naging pisikal ang Phoenix, ang No. 1 team sa elimination round, sa pagsagupa sa San Miguel.

Sa katunayan ay pinagmulta ng PBA Commissio­ner’s Office sina Beermen forward Christian Standhardinger at Calvin Abueva at Doug Kramer ng Fuel Masters ng kabuuang P40,000 dahil sa nangyari sa Game Two.

Si Standhardinger ay pi­nagbayad ng P20,000 dahil sa kanyang flagrant foul 2 kay Abueva, pinagmulta naman ng P15,000 bunga ng pag-dirty finger sa harap ng camera.

Ang multang P5,000 kay Kramer ay dahil sa kanyang flagrant foul 1 kay five-time PBA MVP June Mar Fajardo.

“Of course, mas magi­ging pisikal pa sa Game 3,” wika ni Fajardo sa Phoenix. “Siyempre, gusto nilang manalo and kami rin gusto naming maka 3-0 para mas malaki ‘yung chance namin makapasok ng finals pero alam naman natin na hindi basta-basta bibigay ‘yung Phoenix.”

PBA SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with