Knockout puntirya ni Donaire vs Tete
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ni World Boxing Association (WBA) super bantamweight champion Nonito Donaire na maitarak ang knockout win laban kay World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Zolani Tete sa kanilang bakbakan sa Abril 27 sa Cajundome sa Lafa­yette, Louisiana.

Hindi nagbigay si Do­naire ng prediksiyon kung anong round nito mapapatumba ang South African pug ngunit nangako ang Pi­noy boxing sensation na makukuha nito ang KO win.

“That’s my goal. To knock him out. I’ll just go out there and give everything. When I give everything that I got, I feel I know I can take a lot. I don’t really expect what round but I expect to take him out,” ani Donaire.

Alam ni Donaire ang ka­pasidad ng kaniyang ka­ribal na hindi kayang pan­tayan ang lebel ng kaniyang kamao.

Sanay na sanay si Do­naire sa paglalabanang weight class kaya’t wala itong nakikitang anumang aberya.

“Well the game of it is not to get hit. But when it comes to power, his power is not equivalent to mine. I am fighting at the weight class that I’m very confident and very comfortable,” dagdag ni Donaire.

Galing si Donaire sa fourth-round technical knockout win laban kay WBA champion Ryan Bur­nett na magugunitang nagtamo ng back injury sa kanilang World Boxing Su­per Series quarterfinals match noong Nobyembre 3 sa Glasgow, Scotland.

“I had been in higher di­visions in the previous fights, two divisions higher. I’m now fighting here (super bantamweight) that’s why my power is dominating in this division. Definitely I’m a lot faster and a lot smoother because at lighter division I’m not heavy as I am. I feel so good,” ani Donaire.

Nagsanay si Donaire kasama si trainer Kenny Adams sa Las Vegas, Ne­vada.

Ngunit lumipat ito kaha­pon sa Louisiana para do­on ipagpatuloy ang kanyang training camp.

Abot-kamay na ni Do­naire ang siyento porsi­yentong kundisyon kaya’t mataas ang moral nito bago harapin si Tete.

BOXING NONITO DONAIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with