Mercado, Tabamo ibinangon ang bansa sa Asian Boxing
(Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa sumuntok ng magkahiwalay na panalo sina Ramel Mercado at Marvin Tabamo para palakasin ang tsansa ng Team Philippines sa Asian Boxing Championships sa Bangkok, Thailand

Pinayukod ng 23-anyos na si Mercado ng Koronadal City si Ahmadisafa Omid, 4-1, ng Iran sa kanilang light fly­weight showdown.

Nalusutan naman ni Tabamo ng Cagayan de Oro si 2017 Southeast Asian Games silver medalist Aldoms Suguro ng Indonesia, 3-2, sa kanilang flyweight duel.

Ibinangon nina Mercado at Tabamo ang karangalan ng bansa matapos ang kabiguan nina Sugar Ray Ocana at Nesthy Petecio.

Samantala, nagkaroon naman ng malalim na putok sa kanyang kanang kilay si Ocana matapos ang banggaan nila ng mga ulo ni Daisuke Narimatsu ng Japan sa ka­nilang light welterweight showdown.

Dahil dito ay nanalo ang Japanese via RSC-I o Re­feree Stopped Contest via injury.

Nabigo naman ang 26-anyos na si Petecio sa 19-anyos na si Irene Sena, ang 2018 World Youth Championship bronze me­dal winner, via split decision, 3-2.

Ang partisipasyon ng na­tionals team sa torneong may kabuuang 333 boxers mula sa 34 bansa ay sagot ng Philippine Sports Commission.

Naghahanda ang mga national boxers para sa pagsabak sa darating na 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng bansa sa Nobyembre 30 Disyembre 11.

RAMEL MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with