Victolero naitama ang kahinaan
MANILA, Philippines — Sa unang dalawang laro sa kanilang semifinals series ay hinanap ni coach Chito Victolero ang tunay na depensa at laro ng Magnolia.
Ngunit sa Game Three noong Martes ay tinalo ng Hotshots ang Rain or Shine Elasto Painters, 85-74 sa pamamagitan ng matinding depensa sa dulo ng fourth quarter sa 2019 PBA Philippine Cup.
Naiwasan ng Magnolia na maibaon ng Rain or Shine sa 0-3 sa kanilang best-of-seven semis series.
Inangkin ng Elasto Painters ang Game One, 84-77 at Game Two, 93-80.
“We just tried to bring back the Magnolia Hotshots basketball, which is more a defensive-minded team. I told them na kailangang naming ibalik ‘yung aming aggressivenes, energry,” wika ni Victolero.
Nanguna sa nasabing panalo ng Magnolia sina combo guard Paul Lee, umiskor ng 16 points at Ian Sangalang na gumawa ng 16 marker, 11 rebounds at 3 assists.
“I just stayed positive. Nag-respond ako sa mga teammates ko na patuloy na naniwala sa akin,” sabi ni Sangalang na nakakuha ng advise kay veteran forward Marc Pingris. “Thankful ako especially kay Kuya Ping (Marc Pingris) na talagang itinulak ako at nagbigay ng guidance.
Kumolekta naman sina 6-foot-8 Rafi Reavis at guard Jio Jalalon ng tig-11 boards habang may 10 rebounds si Mark Barroca .
- Latest