^

PSN Palaro

Hotshots Inagaw ang Game 3

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots Inagaw ang Game 3
Nag-aagawan sa bola sina Ian Sangalang ng Hotshots (10) at Jewel Ponferrada ng Elasto Painters sa aksyong ito.
Joey Mendoza

Laro sa Linggo(Smart Araneta Coliseum)

6:30 p.m. San Miguel vs Phoenix (Game 3, semis)

MANILA, Philippines — Hindi na maaaring malubog pa nang husto ang mga Hotshots.

Nakabawi ang Magnolia sa dalawang sunod na kabiguan matapos talunin ang Rain or Shine, 85-74 sa Game Three ng kani­lang semifinals series sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Inilapit ng Hotshots ang kanilang sarili sa 1-2 sa best-of-seven semifinals showdown nila ng Elasto Painters, inangkin ang Game One, 84-77  at Game Two, 93-80.

“Siguro naging positive lang ako sa game tapos nagtiwala ako sa mga teammates ko,” sabi ni Ian Sangalang, iniskor ang lahat ng kanyang 16 points sa second half.

Mula sa 17-15 abante ng Rain or Shine sa first period ay inagaw ng Magnolia ang bentahe patungo sa pagtatayo ng 10-point lead, 27-17  mula sa three-pointer ni PJ Simon sa 7:01 minuto ng second quarter.

Nakatabla naman ang Elasto Painters sa 71-71 buhat kay Norbert Torres sa 5:12 minuto ng final canto bago nagtuwang sina Sangalang at Justin Melton para ilayo ang Hotshots sa 82-74 sa huling 50.4 segundo ng laro.

Sa kabilang banda, pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office sina Christian Standhardinger ng San Miguel at Calvin Abueva at Doug Kramer ng Phoenix ng kabuuang P40,000 dahil sa nangyari sa Game Two.

Ang multang P20,000 kay Standhardinger ay dahil sa kanyang flagrant foul 2 kay Abueva na pinagbayad naman ng P15,000 bunga ng pag-dirty finger sa harap ng camera.

Pinatawan naman si Kramer ng P5,000 mula sa kanyang flagrant foul 1 kay five-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Samantala, bagama’t bitbit ng nag­dedepensang San Miguel ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals series ng Phoenix ay hindi pa ito garantiya para makapasok sila sa Finals.

“0-2 is not assurance to win the series,” sabi ni Beermen head coach Leo Austria. “We should prepare hard for the third game.”

Tatangkain ng San Miguel na maitayo ang malaking 3-0 lead  sa Phoenix sa Game Three sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Binugbog ng Beermen ang Fuel Masters sa Game One, 100-88 at nakaba­ngon mula sa 12-point deficit sa second period para tangayin ang 92-82 panalo sa Game Two.

Naging pisikal ang Phoenix laban sa San Mi­guel sa Game Two kung saan napatalsik si San Miguel power forward Christian Standhardinger sa 6:10 minuto ng second period matapos sipain si Calvin Abueva ng Phoenix sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

vuukle comment

2019 PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with