BOMALABS
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2019 - 12:00am

Delikado ang lagay ng Phoenix.

Matapos mamayagpag sa eliminations, natalo ng dalawang sunod ang Phoenix sa San Miguel Beer.

Best-of-seven ang semis. Oo, hindi pa tapos. Mahaba pa ang boxing. Pero SMB ang kalaban.

Back-to-back-to-back-to-back champion.

Nung Lunes nilaro ang Game 2. Kontrolado ng Phoenix ang game at sa third quarter na lang lumamang ang Beermen.

Nag-take change si June Mar Fajardo at Marcio Lassiter. Walang nagawa sila Calvin Abueva.

Kinapos ang Phoenix.

Pahinga ang PBA dahil Holy Week. Sa Easter Sunday pa ang Game 3.

Imbes na makapagpahinga ng sapat ay mukhang kailangan mag-ensayo ng husto ang Phoenix.

‘Yan ang penitensiya nila.

Iiling-iling si coach Louie Alas sa nangyayari. Sayang talaga ang Game 2 dahil panabla na sana.

Pero nandyan na ‘yan. Kailangan humanap ng Phoenix ng solusyon.

Kaya naman dahil sa elims ay tinalo nila ang San Miguel patungo sa No. 1 record na 9-2.

Dahil kung malubog pa sila sa 0-3 ay talagang lalabo na ang sitwasyon para sa team ni Dennis Uy.

Baka banderang kapos ang kalabasan.

‘Wag naman sana.

PHOENIX SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with