No-Show
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2019 - 12:00am

World record na yata sa intayan ang naganap nung Martes sa Resorts World Manila.

May press conference dapat si Floyd Mayweather Jr. sa nasabing hotel ng 3 p.m.

Alas-dos pa lang, nagdatingan na ang mga media.

Lumipas ang maraming oras.

Nasa Makati si Floyd at nagpagamot kay Vicki Belo. May konting delay. Pero ang akala ng lahat ay sa presscon na siya didiretso.

Pero hindi. Nag-shopping sa Greenbelt habang naghintay lahat sa Resorts World. Pasado 7 p.m. na ito.

Nagkaroon ng announcement na “on the way na raw.”

Pero imbes na sa hotel pumunta, dumiretso naman sa Mall of Asia. Kumain ng chicken inasal.

Kasama tayo sa nag-abang. At dito ay natunugan ko na lumalabo ang sitwasyon.

True enough.

Pagdating ni Floyd sa hotel, mga 10 p.m., ay tuloy akyat sa kwarto niya eh isang liko lang sana nandun na ang venue ng press conference.

Ubos. Nag-announce ang management ng hotel na hindi na raw dada­ting si Floyd sa presscon. Halos 11 p.m. na.

Nag-hintay kami ng siyam na oras sa wala.

Sino ang dapat sisihin?

Ewan ko sa kanila.

FLOYD MAYWEATHER JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with